Ang Sto. Papa ay matagal ng nanawagan upang gamitin ng mga Katoliko ang internet bilang isang daan ng pakikipagtalastasan upang maipahag ang turo ng ating Panginoong Hesukristo.Mahigit nang isang taon pagkatapos ng pandaigdigang miting ng mga bloggers kasama ang Papa Benedicto XVI bilang isang matingkad na hudyat na seryoso ang Iglesia/Simbahan tungkol sa bagay na ito.
Kailangan ding nating ipagtanggol ang ating pananampalatay sa walang tigil na pagbabatikos ng ibang sekta sa atin. Hindi tayo kailangang makikipag away ngunit hindi rion pwede tayong tumahimik na lang.
Ang lugar na ito ay magbabalangkas kung ilan na nga ba ang mga Filipinong Katolikong Bloggers na aktibong nakikipag tulungan na ipahayag ang Misyon ni Hesus sa pamamagitan ng internet.
No comments:
Post a Comment